Welcome...

Vancouver [A-PRO Caregivers & Nannies]: We are Vancouver's ORIGINAL Live-in Caregiver Program Processing Service.
Established in 2001, A-PRO has helped countless families in British Columbia (BC), and selected cities across Canada.

Sunday, May 24, 2009

Dhalla nanny affair should prompt assessment Live-in Caregiver Program

Advocates once again calls to scrap the Live-in Caregiver Program.

Read The Georgia Straight Article Here

Thursday, May 14, 2009

After working as a Live-in Caregiver - what next?

The Perfect Business




Learn How to start a cleaning business Click Here!

Learn How Start and Run Your Own Nanny Agency Click Here!

Wednesday, May 6, 2009

Vancouver Balikbayan Box Philippines

For your reading pleasure - sorry could not be translated - it would lose it's flavour.

Registered nurse si Maria sa Canada. Kasama nya ang kanyang ina na nagpagamot din doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Maria. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na dikit na dikit ang mukha ng bangkay sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Canada!" Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong Aba! May sulat sa dibdid ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Maria?

Mahal kong tatay at mga kapatid,

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...

Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karne norte. And adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo. Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi matunaw ang mga ito. Ang Pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene, Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, mga japanese version ng Pokemon trading cards at stickers.

Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta. Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo ang mga ito sa party.

May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at yong isa ay kay Pareng Tulume Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro Green at Winston Lights ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay. Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag san kayong mag-aagawan. Isang dosenang Wonder bra na gustong-gusto ni Tiya Iska, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Kunin mo agad, tatay. Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo, ditse, ay suot-suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Isang Ray Ban ladies sunglass na pabirthday ko kay Ninang Berta, hindi ko ba pinasuot kay nanay. Isiniksik ko na lang sa may bandang ulunan ni nanay. Nasa pink na plastik na maliit. Mga Chanel at Champion na medyas, suot-suot din ni nanay. Tig-iisa kayo, mga pamangkin ko. Mga pampers, panty liners, cotton buds, cotton balls, table napkins at mga scotch brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath towels...yon bale ang pinangkutson ko sa kabaong ni nanay. Marami- rami rin iyon Parte-parte rin kayo.

Marami pa akong ipinagsisiksik kung saan-saang parte gaya ng cafe, coffee creamer, ilang vienna sausage na de lata, Barbie dolls, toothbrush, paper cups, plastic spoon and pork, paper at styro ! foam plates, perfume, cologne, ballpens, stationaries, envelopes, bar soaps, Matchbox toys, used t-shirts, hand towels, CD, VHS tapes, padlock, tools gaya ng screw driver, plais, long nose, atbp. Hindi ko na na-itemize ang mga ito dahil nagmamadali ako. Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito.

Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito. Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,

Maria

P.S. PAKIBIHISAN ninyo agad si Nanay!

Caregivers Nannies: Vancouver Errand Service

Vancouver Errand Service for seniors and families
Don't have time to get it, but you gotta have it? We can help!
Errand Service - Alternative Transportation for seniors


Newcomers undergo various degrees of emotional strain during the adjustment process. Vancouver Area Nannies:-http://www.vancouvernannies.com/


Books!
Ebooks!